|
|
Pamahiin
I. Paksa
Ang aming paksa ay tungkol sa pang-arawaraw na mga Superstitious Beliefs. Napili namin ito dahil sa kultura ng Pilipino ang isang ordinaryong araw ay nababalot ng mga paniniwala na maaaring nagsisilbing gabay, pang-kontra sa malas o kaya babala sa mga panganib na maaring nakaantabay. Kahit noon pa man ang mga ninuno natin ay may mga paniniwala na sinusunod, kagaya ng pag-alay ng prutas o pagkain sa anito upang bantayan ang palay at hindi pestehin o kaya ang pag-alay ng panalangin sa pamamagitan ng ritwal na sayaw kay bathala upang payabongin ang palay at pasaganahin ang ani nito. Mula sa mga ninuno, napasa ang ganitong mga paniniwala kahit sa pagdating ng mga iba't-ibang lahing nanakop sa atin, imbes na nawala ay nadagdagan pa nga. Ang pagdating ng mga Kastila na nagbigay tibay sa mga paniniwalang pang-relihiyon, katulad ng pagdadasal ng husto upang gumaling ang sakit ng katawan o ang pagpapagaling sa kalabaw na may sakit. May nabigay ring kontribusyon ang mga Instik sa mga ganitong paniniwala, kagaya na lamang ang Feng Shui na nagbibigay ng gabay kung ano ang mga tamang posisyon ng mga gamit o bahay upang malayo sa malas. Napili namin ito dahil ito ay isang matagal na pag-uugali ng mga Pilipino na namamayagpag hanggang sa ngayon. Ano nga ba ang pinagmulan ng mga ganitong paniniwala at kung bakit patuloy na tinatangkilik ng Pilipinong kultura ito. Ano nga ba ang importansya nito sa pang-arawaraw?
Maraming Superstitious Beliefs na pinaniniwalaan ang mga Pilipino, mayroong tungkol lamang sa pagbubuntis, pagpapakasal, paglalamay, lamang-lupa at kung anu-ano pa, kung kaya't napili lamang namin ang saklaw na pang-arawaraw. At kagaya ng nabanggit marami ang mga ito kung kaya't naglagay lamang kami ng mga piling halimbawa na maglilimita sa aming masusing pag-aaral. Nakakadagdag pa sa paglilimita ng pag-aaral ang maikling panahon upang masala namin ng husto ang mga eksplanasyon ng bawat isa. Bagamat may mga ganitong aspeto, sisikapin namin na makatugon ng magandang pag-aaral.
Sa pag-aaral na ito nais namin makita kung hanggang saan ang impluwensya ng mga ganitong paniniwala. Kung ito ba ay tunay na nakakatulong sa pagpapabuti ng buhay o paglilimita ng mga kilos. At kung ano ang mga pinagmulan ng mga ito, at kung ito ba ay masasabing katanggap-tangap.
II. Mga Halimbawa
Halimbawa nasabi na "Baka mamatay na si Kuting," pagkatapos nais kontrahin ito o bawiin upang hindi mangyari, kakatok sa kahoy upang hindi magkatotoo. Ayon kay Dr. Ellis Parker, isang Sociologist sa Princeton University ang ganitong pag-iisip ay nagmula pa sa Western America noong 1500's. Isang paniniwala na ang kahoy ay nakaka-absorb ng mga masasamang energy kung kaya kapag may gustong i-divert na masamang energy ikatok mo ito sa kahoy upang ang kahoy ang sumalo nito.
Kapag dini-distort daw ang kahit anung parte ng mukha maaaring maging permanente ito kapag naihipan ng hangin. Ayon sa medical explanation ng "Book of Facts" ni Dr. W.H Teinre, masama ang paglaru-laruan ang kahit anong parte ng mukha lalo na kapag pinatagal ito dahil maaaring ma-strain ang mga nerves ng mukha at magkaroon ng komplikasyon. Katulad na lamang ng pagdoling-doling ng mata nakakasama ito pero hindi maaring maging permanente katulad ng paniniwala natin na maiihipan ng masamang hangin.
Ang pag-iikot ng plato kapag may kasama sa bahay na paalis ay ang magsisilbing gabay at maglalayo sa panganib sa paglalakbay ng taong paalis. Ang matandang pamahiin na ito ay sinasabing makapagiiba ng direksyon ng panganib na maaaring nag-aantay sa kanya sa daanan. Sinasabing ang plato ay nagsisilbing manibela ng kapalaran ng taong paalis.
Ang paniniwalang ito ay nagmula pa raw sa Tsina ayon kay Mrs. Sta Maria, isang believer ng mga pamahiin na ito. Ang kanyang ina na purong Instik ang nagsabi na goodluck ang pahiwatig na ito. Bukod sa may relasyon ang pera sa kamay na humahawak nito, ay palad kapag makati ay nagiging mamula-mula. At ang kulay pula ay isang kulay na ang ibig sabihin ay swerte o grasya. Kaya ang pagkati ng palad ay hudyat ng pagpasok ng grasya.
Isang paniniwala ng mga Pilipino na kapag ang gabi ay sumapit ang paglabas rin ng mga masasamang elemento ay gumagala sa paligid. Halimbawa na lang ay ang pagwalis ng dumi sa loob ng bahay sa gabi ay parang inilalabas mo na rin ang swerte sa iyong tahanan kung saan ang masasamang elemento ay naghihintay para makuha ito. Maaaring dito sumibol ang paniniwalang ito.
Kapag nabatukan o kaya ay naumpog ang ulo, isang paniniwala ang nagsasabi na dapat maibalik sa tamang puwesto ang utak, sa pamamagitan ng pagpalo pataas ng baba ito magagawa. Sa aming palagay ang paniniwalang ito ay maaaring naka-base sa isang medikal na aspeto. Pinapalagay na dahil sa komplikasyon na sanhi ng pagkauntog ng ulo ang utak ay naalaog. Para ma-counter ang pagka-displace nito dapat ibalik sa dati (sa pamamagitan ng pagpukpok ng baba pataas). Isang lohikal na eksplanasyon.
Ang singsing ay isang bagay na mahalaga at pag-aaring importante ng sino man ang nakasuot nito. Kapag may ibang tao na nagtanggal sa daliri ng may-ari nito, maaaring mainterpret ito na parang pag-trespass sa privacy ng may-ari nito o pag-violate sa may-ari. Maaari namang ang may-ari na lamang ang mag-alis nito sa kamay niya. Magsisimula pa ito ng away kapag basta na lamang kuhain sa kamay niya ito (lalo na kapag may sentimental value). Sa ganitong pagtingin ay maaaring magreulta sa pag-aaway ang magkaibigan dahil sa pakikialam ng singsing. Sa paliwanag na ito makikta na maaaring dito sumibol ang pamahiin na ito.
Ang paa ay ang nagdadala sa atin kung saan natin nais pumunta, kaya kapag makati daw ang paa ng isang tao ang ibig sabihin nito ay gustong maglakwatsa. Kung titignan sa Pilipinong konteksto, lohikal ang pagbigay ng relasyon ng paa sa paglakwatsa. Maaaring dito nanggaling ang pamahiing ito.
Sinasabi na kahit anong anyo ng salamin ay repleksyon ng buhay ng tao, kapag ito ay nabasag na hindi sadya ay may simboyo na may mangyayaring masama dito. Halimbawa ang picture frame, sinisimbolo ang tao na nakadisplay ang picture doon, kapag ito ay nabasag ang ibig sabihin nito ay may masamang mangyayari sa tao. Maaaring madisgrasya o mamatay sa aksidente. Kapag ang mirror naman ang mabasag ang sinisimbolo nito ay panganib din. Mula sa ganitong simbolo, maaari natin din kinuha ang mga ganitong pangitain ng paniniwala.
III. Mga panayam
Panayam kay Mrs. Ofelia sta. Maria, isang naniniwala ng husto sa mga pamahiin. Namana niya ang ganitong pag-iisip sa kanyang ina na si Mrs. Antonia Tan Española Abueg na purong Instik. Nasabi niya na ang paggabay ng kanyang ina sa kanya sa pamamagitan ng pamahiin ay nakakatulong sa kanila. Ang mga Instik ay kilala sa mga paniniwalang swerte ang nakapula, dapat magpapaputok ng fireworks para ma-drive away ang mga malas, malas ang araw na "Friday the 13th" at kung anu-ano pa. Lalo pa tumibay ang paniniwala ng ating nakapanayam dahil sa pagkamatay ng kanyang ama noong araw na "Friday the 13th." Isa pang kwento niya ay ang pagkagat sa punong-kahoy kapag nanaginip siya ng masama, pero hindi niya muna dapat banggitin kung kanino ito, marapat na mauna ang pagkagat ng puno. Sa tingin niya, totoong nakakatulong ito, noong umaga ring iyon nalaman niya na na-kidnap ang kanyang mga pamangkin pero nakatakas din noong hapong iyon. Pagtingin niya sa puno kinagabihan ito ay lanta na, patay na, kaya tingin niya totoong maaaring sinalo ng punong-kahoy ang masamang enerhiya. Naniniwala siya na ang mga pamahiin ay galing pa sa mga paniniwala noong sinaunang panahon, pagkatapos ay napasa-pasa mula sa isang henerasyon papunta sa mga sumunod na henerasyon. Dagdag pa niya, maaaring ang iba ay gawa lamang ng ibang tao na nag-evolve din sa panahon, pero naniniwala siya na may basehan sila dito- mula sa sariling karanasan. Kaya't hindi maiiwasan na marami ang naniniwala dahil marami na ring napatotohanan ito.
Mrs. Ofelia Villanueva, isang lola ng mananaliksik. Hindi siya naniniwala rito sapagkat isa lamang daw ang kanyang pinaniniwalaan, ang Diyos. Sa kanyang palagay ang ganitong pamahiin ay nagta-thrive sa kultura Pilipino dahil naipasa-pasa na nga mula sa isang henerasyon papunta sa isang henerasyon ang ganitong mga pamahiin. Nakakadagdag pa rito ang pagbibigay kahulugan at pagkonekta-konekta ng mga pangyayari sa pamahiin kapag may nangyaring masama. Halimbawa, may nadisgrasya sa kapamilya na umalis ng bahay, iisipin ng mga naiwan sa bahay na hindi kasi inikot ang pinggan kaya nangyari ang mga ganoong bagay.
Aking nakapanayam si Dr. Lily R. Torres dating Guidance Counselor ng Unibersidad ng Pilipinas. Ipinaliwanag niya na ang paniniwala ng mga Pilipino sa Superstitious Beliefs ay maaari ma-trace pa sa mga kaugalian ng mga katutubo na pagiging 'animistik,' ang paniniwala sa mga hindi nakikitang creatures at pagsamba sa mga ito. At kahit pa dumaan tayo sa pananakop ng mga dayuhan hindi pa rin natinag ito dahil nga matibay na ang pundasyon natin dito. Isa pang factor na maaaring nakapag-hulma sa ugaling ito ay dahil mataas ang respeto natin sa mga matatandang kapamilya kung kaya't sinusunud natin ang kanilang mga sinasabi. Isa pa ang pagkakaroon ng close-family ties ay nakakatulong sa pagpasa-pasa ng mga ganitong paniniwala.
IV. Konklusyon
Mula sa mga nakalap na impormasyon ang mga ganitong pamahiin ay tunay na nasa kultura na ng mga Pilipino. Bagamat nasakop at naimpluwensyahan tayo ng mga banyaga hindi maitatatwa na hindi na matitinag ang paniniwala natin sa ating mga pamahiin. Kahit pa man ang iba ay nanggaling sa mga banyaga, sinasala pa rin natin ito at inaaayon sa ating kultura kung kaya't hindi tuwirang masasabi na ginaya lam,ang natin sa kanila Totoo nga naman na hindi natin tunay na magi-gauge ang validity nito pero dapat natin bigyan halaga ang tunay na ugaling Pilipino na makikita natin sa pagpayagpag ng pamahiin. Ang matibay na family-ties kung kaya't kumakalat at naipapasa natin ito mula sa isang henerasyon papunta sa isang henerasyon. Isa pa bagamat hindi naniniwala ang iba rito, nagiging mulat ang bawat Pilipino sa mga ganitong pamahiin dahil na rin naranasan na nilang mapagsabihan at sumunod sa mga matatanda na nagsasabi sa kanila ng mga ganitong pamahiin. Hindi natin tunay na masasabi na walang katotohanan dahil na rin sa mga Pilipinong naniniwala dito. Kung ito ba ay nagpapabuti o naglilimita sa kaugaliang Pilipino ay hindi rin natin masasagot dahil nga depende na ito sa tao kung papaano ang epekto na nadudulot sa kanya sa araw-araw. Nakakatuwa isipin na nasa dugo na talaga ng Pilipino ang pamahiin, kahit hindi lahat naniniwala rito, mulat ang bawat isa sa mga existing superstitious beliefs. Tanging respeto ang paraan kung papaano natin tatangkilin ang mga taong naniniwala at hindi naniniwala dito. Hindi naman tayo pinipilit ng kapwa Pilipino na maniwala dito.
BIBLIOGRAPIYA Beliefs: Truth or Hoax, Dr. Ellis Parker, (San Francisco Publishing Co.) Book of Facts, Dr. W.H Teinre (New York: Macmillan 1999) Panayam, Mrs. Ofelia Sta Maria, believer ng mga pamahiin Panayam, Mrs. Ofelia Villanueva, non-believer ng mga pamahiin |